Ikaw. Ikaw ang bitwin at langit, ang liwanag sa mundo kong madilim.
Ako, ako ang kulay na kumukumpleto sa madilim nyang mundo.
Paulit ulit mang sambitin, o giliw ikaw at ikaw ang pipiliin-mahal ko,
Ngunit ang mundo mo ay sakanya, sakanya lamang lumiliwanag.
Ito, itong sawing puso nais ipaubaya sa taong nais magalaga
Oo, ikaw, ikaw ang ngiting itinatanim sa paggising at ang panaginip
na isinasama sa pagtulog
Pero ako, ako ang bangungot na minsang di mo pinangarap.
Ikaw, ikaw ang ngiti sa bawat luha. Ikaw ang saya sa bawat pighati,
Ikaw, ikaw ang kulay nagbibigay ningning sa mundong ito.
At sya, sya ang kamay na pumupunas sa bawat patak ng luha
Sya ang araw sa bawat pighati, at para sakanya ako ang kaligayahang
Inaasam iasam, gaya ng ako saiyo.
Nais bigyang halaga ang alaga na kanyang ipinauubaya
Ang alagang na nuon pa may pinapangarap na maramdaman saiyo
Pero giliw paulit ulit mang sambitin, ikaw at ikaw parin ang pipiliin-mahal
ko
Ang ikaw at ako ay mananatiling isang ilusyon sa mundong pinanpangarap
Pero giliw paulit ulit mang sambitin, ikaw at ikaw parin ang pipiliin
ko.
Teka, sandali, saan nga ba dapat ako lumugar? Sa dalawang magkaibang
mundo na
Ngayoy nasaking tabi. Naguguluhan. Oo naguguluhan na ako. Sino ng aba
sainyo?
Pero giliw paulit ulit mang sambitin, ikaw at ikaw parin ang pipiliin
ko.
Teka, tama ba? O ipaglalaban ko pa ba? Ang pagibig na alay ko saiyo na
kalian may di mo Nakita.
Ako, ako ay isang bulag,pipi at bingi. Bulag bulagan sa iyong harapan
kahit alam kong
Sakanya ka sasaya, bulagbulagan kahit alam kong akoy mahal nya.
Bingi. Nagbibingihan sa bawat sambit mo ng pangalan nya at
nagbibingihan sa bawat sambit nya na
Akoy mahal nya. Pipi, dahil hndi komasabi saiyo, oo saiyo kung gano
kita kagusto at pipi dahil hndi ko masabi sakanya na ang puso ko ay alay sa
iba.
Nais mang itago ang gintong puso sa yong mga palad
Itong damdamin hndi ko parin lubos mawari.
Sino ngaba dapat sainyo?
Ngunit ngayon, ang ihip ng hangin ay nagbago na, ang alon ay unti uti
akong tinatangay.
O mahal ko,ikaw, ikaw nga-paalam saiyo.
Paalam sa ngiti, paalam sa luha, paalam sa alaala mo
At sa taong mahal ako ang mundo ay hindi iisang maliit na globo.
Habang ako, ako muna ay maglalakbay-unti unti kong ibabalik ang ngiting
naglaho,
Ang mga luhang tumulo at ang durog kong puso.
Unti unti kong pupulutin ang mga piraso nito at unti unti kong bubuksan pusong sinarado dahil sa taong
minahal ko.
Comments
Post a Comment