Takot. Saya. Kaba. Pangamba. Di mawari ano nga ba ang nananaig Dalawang pulang linya sa hawak Kong instrumento aking punagmamasadan Ama, ako'y iyong gabayan sa tinahak na daan Tumutulong mga luha, Nanginginig na mga boses, Gulong isipan, Di maigalaw na katawan Oh! Ano nga ba ang nadarama Ngunit nang.. Unang marinig ang tunog ng iyong pintig Waring musika sa aking pandinig Sa larawan mo mata'y di ko mai-alis Isang perpektong sining aking ninanais Sa bawat pagsususka, panghihina, pagkaantok, aking nilabanan para bang Pagsubok na sa aki'y nakaabang Sa bawat galaw, sipa, at kung anong likot, Ika'y aking nadarama Ngiti sa aking mga labi halos di ko na mapawi Isang anghel ang di ko na maantay Sa aking mga braso na sabik ng masanay Ang hagkan at makapiling ka sa araw at gabi Hanggang sa ika'y aking ihele sa ugoy ng duyan. 👧🏻 👶 🎀 ❤️ 💕