Hindi ito isang liham na ipapahatid kay Ms. Charo, hindi isang liham na mapapanuod mo sa telibisyon, at lalong hindi totoong kwento. Dahil ito ay kwento nating dalawa, oo tama ang rinig mo, sa ating dalawa. Dahil sa simulat simula palang-wala naman na tayong kwento. Naalala ko pa, nung una tayong nagkwentuhan, nung kung pano mo ako kausapin, Naalala ko pa kung pano ka magpatawa, at naalala ko pa kung pano mo sambitin ang pangalan ko At sabihing, kailangan kita. Kailangan mo ko dahil wala kang kasama, kailangan mo’ko dahil kinailangan mo lang ako, at heto ako, nabulag sa mga kwento mo, nabulag sa mga tawa mo, at nabulag sa presensya mo. Naalala ko pa, nung tayo’y nagtampuhan, na kahit hindi ko mawari kung sino nga ba satin ang nagkasala, paulit ulit akong humingi ng tawad sayo, wag ka lamang lumayo sinta. Naalala ko pa nung gabi gabi tayong nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa kahit simpleng mga mensahe na halos hindi na mabura ang mga ngiti sa mga labi hanggang ...