Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2016

“Maalala mo pa sana”

Hindi ito isang liham na ipapahatid kay Ms. Charo, hindi isang liham na mapapanuod mo sa telibisyon, at lalong hindi totoong kwento. Dahil ito ay kwento nating dalawa, oo tama ang rinig mo, sa ating dalawa. Dahil sa simulat simula palang-wala naman na tayong kwento. Naalala ko pa, nung una  tayong nagkwentuhan, nung kung pano mo ako kausapin, Naalala ko pa kung pano ka magpatawa, at naalala ko pa kung pano mo sambitin ang pangalan ko At sabihing, kailangan kita. Kailangan mo ko dahil wala kang kasama, kailangan mo’ko dahil kinailangan mo lang ako, at heto ako, nabulag sa mga kwento mo, nabulag sa mga tawa mo, at nabulag sa presensya mo. Naalala ko pa, nung tayo’y nagtampuhan, na kahit hindi ko mawari kung sino nga ba satin ang nagkasala, paulit ulit akong humingi ng tawad sayo, wag ka lamang lumayo sinta. Naalala ko pa nung gabi gabi tayong nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa kahit simpleng mga mensahe na halos hindi na mabura ang mga ngiti sa mga labi hanggang ...

Mahal ko o Mahal ako: Sino nga ba dapat sainyo?

Ikaw. Ikaw ang bitwin at langit, ang liwanag sa mundo kong madilim. Ako, ako ang kulay na kumukumpleto sa madilim nyang mundo. Paulit ulit mang sambitin, o giliw ikaw at ikaw ang pipiliin-mahal ko, Ngunit ang mundo mo ay sakanya, sakanya lamang lumiliwanag. Ito, itong sawing puso nais ipaubaya sa taong nais magalaga Oo, ikaw, ikaw ang ngiting itinatanim sa paggising at ang panaginip na  isinasama sa pagtulog Pero ako, ako ang bangungot na minsang di mo pinangarap. Ikaw, ikaw ang ngiti sa bawat luha. Ikaw ang saya sa bawat pighati, Ikaw, ikaw ang kulay nagbibigay ningning sa mundong ito. At sya, sya ang kamay na pumupunas sa bawat patak ng luha Sya ang araw sa bawat pighati, at para sakanya ako ang kaligayahang Inaasam iasam, gaya ng ako saiyo. Nais bigyang halaga ang alaga na kanyang ipinauubaya Ang alagang na nuon pa may pinapangarap na maramdaman saiyo Pero giliw paulit ulit mang sambitin, ikaw at ikaw parin ang pipiliin-mahal ko Ang ikaw at ako a...