Hindi ito
isang liham na ipapahatid kay Ms. Charo,
hindi isang
liham na mapapanuod mo sa telibisyon,
at lalong
hindi totoong kwento.
Dahil ito ay
kwento nating dalawa, oo tama ang rinig mo, sa ating dalawa.
Dahil sa
simulat simula palang-wala naman na tayong kwento.
Naalala ko
pa, nung una tayong nagkwentuhan, nung
kung pano mo ako kausapin,
Naalala ko
pa kung pano ka magpatawa, at naalala ko pa kung pano mo sambitin ang pangalan
ko
At sabihing,
kailangan kita. Kailangan mo ko dahil wala kang kasama, kailangan mo’ko dahil
kinailangan mo lang ako, at heto ako, nabulag sa mga kwento mo, nabulag sa mga
tawa mo, at nabulag sa presensya mo.
Naalala ko
pa, nung tayo’y nagtampuhan, na kahit hindi ko mawari kung sino nga ba satin
ang nagkasala, paulit ulit akong humingi ng tawad sayo, wag ka lamang lumayo
sinta.
Naalala ko
pa nung gabi gabi tayong nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa kahit simpleng mga
mensahe na halos hindi na mabura ang mga ngiti sa mga labi hanggang sa
pagtulog.
Naalala ko pa,
nung kwinento mo sakin ang tungkol sa’yong buhay, mga sikretong itinatago,
At mga bagay
bagay na nais mong gawin.
Naalala mo
pa ba? Malamang hindi na.
Hindi mo na
maalala nung minsang nagkatabi tayo sa sasakyan, sa upuan, mga nakaw na sandali,
mga itinatagong ngiti. Hindi mo na maalala nung minsang gabi na inaya mo akong
sumayaw-kung saan tumigil ang mundo ko, musika ang tanging naririnig at ikaw
ang tangi kong nakikita, ngunit tumanggi ako, tumanggi ako dahil nung gabing ‘yon natakot ako,
natakot na baka sabay ng musika ay sasabay din pusong kumakabog.
Kung saan nakatago ang mga ngiti na kailan
may di mo nakita, mga tinig na kailan may di mo narinig at ang presensya ko na kailan
may di mo naramdaman. Naaalala mo pa ba? O tama pa bang itanong ko?
Tama pa ba na isipin? At tama pa bang damdamin?
Oo sa pyesang ito, wala naman
talagang tayo, walang ikaw at ako.
At kailan may di ako nakasama sa
kwento mo, sa kwento ng buhay mo.
Kung saan, sa bawat sulok ng pyesa
na ito ikaw ang nilalaman, ikaw ang sentro at ikaw ang bida.
Ikaw at ikaw parin. Pero saan nga ba
ang lugar ko sa kwento mo? O tama bang alamin ko pa? Siguro, hindi na.
Minsan may nagtanong sakin, kung ano
nga ba ang paborito kong pelikula, napaisip ako at biglang napangiti, naisip ko
ang isang panuod, hndi gawa ng mga director at artista-kundi ito yung mga
alaalang nabuo sa likuran ng aking mga mata, mga alaalang pag pinagsama sama ay
tila ba isang masayang pelikula, isang kwento na tila ba ayaw ko nang bitawan.
Ngunit ang lahat ng ito ay
mananatiling isang alaala na lamang, kung saan ako lang ang nakakaalam,
Nakakakita at nakapanuod.
Maalala mo pa sana, na minsan may
isang ako na dumating sa buhay mo.
Comments
Post a Comment