Takot. Saya. Kaba. Pangamba.
Di mawari ano nga ba ang nananaig
Dalawang pulang linya sa hawak
Kong instrumento aking punagmamasadan
Ama, ako'y iyong gabayan sa tinahak na daan
Tumutulong mga luha,
Nanginginig na mga boses,
Gulong isipan,
Di maigalaw na katawan
Oh! Ano nga ba ang nadarama
Ngunit nang..
Unang marinig ang tunog ng iyong pintig
Waring musika sa aking pandinig
Sa larawan mo mata'y di ko mai-alis
Isang perpektong sining aking ninanais
Sa bawat pagsususka, panghihina, pagkaantok, aking nilabanan para bang
Pagsubok na sa aki'y nakaabang
Sa bawat galaw, sipa, at kung anong likot,
Ika'y aking nadarama
Ngiti sa aking mga labi halos di ko na mapawi
Isang anghel ang di ko na maantay
Sa aking mga braso na sabik ng masanay
Ang hagkan at makapiling ka sa araw at gabi
Hanggang sa ika'y aking ihele sa ugoy ng duyan.
👧🏻👶🎀❤️💕

Comments
Post a Comment